Siya si Yolanda Rosal, residente ng Barangay Duplas, Pugo, La Union, 53 taong gulang, kaakibat ang kanyang asawa na nagtaguyod upang makapagtapos ang kanilang apat na anak, at nangarap na magkaroon ng sariling pangkabuhayan.
Sa loob ng ilang taon, isa si Yolanda Rosal sa mga patuloy nagtutulungan ng Ahensya upang mapaunlad ang estado kanilang pamumuhay. Ang kanyang pamilya ay dating benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at isa sa mga naturuan sa Skills Training sa pagluluto ng Sustainable Livelihood Program noong 2016.
Ang mga natutuhan at hilig sa pagluluto ay kanyang nagamit upang makapagpatayo ng kanyang sariling negosyo. Hinikayat niya ang kapwa niya kababaihang benepisyaryo ng 4Ps sa kanilang lugar na makipag tulungan sa pagpapatakbo ng kanyang hanapbuhay.
Gayunpaman, sa tuloy-tuloy niyang paglago sinubok ang kanyang negosyo ng kasalukuyang krisis, ngunit sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng kanyang mga kasamahan at tulong mula sa Kagawaran, muling nagpatuloy ang kanilang operasyon at unti-unting bumabangon.
Mula sa pangarap para sa pamilya at kanyang sarili, sa pamamagitan ng kanyang pagsisikap at tulong mula sa Gobyerno itong lahat ay kanyang mga natupad.